NIA officials nasermunan sa budget hearing sa Senado

Sinermunan ng mga Senador ang mga opisyal ng National Irrigation Administration dahil sa paggastos sa maintenance at repair ng mga hindi natapos na proyekto.

Ang NIA ay humihingi ng 41.2 billion pesos na pondo para sa pagtatayo ng karagdagang Irrigation projects para patubigan ang may 31,548 ektaryang farmland sa susunod na taon.

Sa budget hearing, kinastigo  ni Senador Cynthia Villar ang NIA dahil sa magulong budget report .

 “Yang MOOE na yan i dont like that eh overhead and capital expenditure palusot nyo yang mooe yan inimbento yang word na yan sa budget ps tapos nakapasok doon part of your operations para naiintindihan namin i dont belive yang item na yan sa budget.”yan ang pahayag ni  Senador Cynthia Villar sa  

Pati ang mga feasibility study ng NIA, pinag- initan ni Villar.

Para saan aniya ang pondong ito gayong hindi pa nga natatapos ang kanilang mga ipinatatayong mga proyekto.

“I stop that feasibility study already you make feasibility study when you are going to build a big project but we have no money to build that big project not finishes like halo and balog balog why are you making a feasibility study? for what? “ dagdag na pahayag ng Senadora

Nag- init rin ang ulo ni Senador Raffy Tulfo dahil humihingi na naman ng  limandaang milyong piso ang nia para sa mga feasibility study ng mga irrigation projects.

Hinihingi ng Senador ang listahan ng mga delayed na proyekto at sino ang mga contractor nito pero bigong makapagsumite ang NIA.

Kinuwestiyon niya rin ang  400 million pesos na maintenance and repair budget ngayong taon bukod pa sa 800 million pesos para sa 2024 pero ang mga proyektong ito hindi pa tapos o kaya’y abandonado dahil sa matinding korapsyon sa ahensiya.

“Do your job well get rid of those people engage in corruption in your agency whether you accept it or not marami in fact me mga nasusinde hanggang s apinakamataas thats a sign na may corruption tadtad po ng corrupton ang inyong agency”.sinabi ni Senador Raffy Tulfo

Sinabi pa ni Tulfo, matinding problema ang kinakaharap ng bansa sa patubig para sa mga magsasaka lalo na sa susunod na taon kung saan inaasahang mararamdaman ang epekto ng El niño pero sa halip na ayusin, iniwang nakatiwangwang ang mga irrigation projects

Kung ginagawa lang aniya ng mga taga NIA ang kanilang trabaho, wala sanang problema sa patubig at lahat ng mga magsasaka maayos na makapagtatanim at wala sanang problema ngayon sa bigas

“Matagal niyo nang ginagago ang taumbayan ang daming problema ngayon sa bigas ang taas presyo maraming tao hindi makakain ng bigas dahil hindi niyo ginagawa ng maayos ang trabaho kasi kung ginagawa niyo na irrigate niyo patubig. Maayos sana ang rice production nation kaya ng binabadyetan ng bilyon bilyon para ayusin irrigation system natin sa mga palay makakatulong sa ating lahat imbes gawin ang trabaho niyo …kinukurakot niyo po eh”. inihayag pa ni Tulfo

Kinuwestyon rin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang NIA bakit sa kanilang pondo 42 thousand ektaryang taniman lang ang balak nilang patubigan samantalang aabot sa 300 libong ektaryang farmland ang nakatiwanagwang.

Aminado naman si NIA Administrator Engineer Eduardo Guillen na maraming problema na kinakaharap ang NIA kabilang na ang korapsyon.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *