Shellfish na nakolekta mula sa siyam na lugar, positibo sa red tide toxin
Nagpositibo sa red tide toxin ang siyam na lugar sa bansa, matapos lumitaw sa pagsusuri na lumampas ito sa regulatory limit.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang nabanggit na lugar ay ang mga sumusunod:
- mga tubig sa baybayin ng Altavas, Batan, at New Washington sa Batan Bay, Aklan;
- Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz; Mambuquiao at Camanci, Batan sa Aklan);
- mga tubig sa baybayin ng Panay sa Capiz;
- mga tubig sa baybayin ng Pilar sa Capiz;
- mga tubig sa baybayin ng President Roxas sa Capiz;
- mga tubig sa baybayin ng Roxas City sa Capiz;
- mga tubig sa baybayin ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo;
- mga tubig sa baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at
- Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
Sinabi ng BFAR na base sa mga resultang ito, lahat ng uri ng shellfish at “alamang” na nakuha mula sa mga lugar na iito ay hindi ligtas para kainin ng tao.
Gayunman, ang mga isda, pusit, at alimango ay ligtas kainin, kailangan lamang ay sariwa ang mga ito, hinugasang mabuti at inalis ang mga lamang-loob gaya ng hasang at bituka bago lutuin.
Please follow and like us: