Ilang tanggapan ng gobyerno kakaltasan ng intel funds ng senado para ilipat sa sandatahang lakas

Ililipat ng senado ang intelligence fund ng ilang tanggapan ng gobyerno para pondohan ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ang desisyon ng senado ay kasunod ng panibagong pang harass ng Chinese Coast Guard sa resupply mission ng goyerno sa ayungin shoal nitong biernes

Sinabi ni Zubiri na nakakalungkot na aabot lang sa 10 million ang confidential funds ng Philippine Coast Guard kumpara sa daan daang milyong piso ng ibang tanggapan ng gobyerno gayong ang coastguard ang nagbabantay para protektahan ang teritoryo ng pilipinas.

Hindi tinukoy ni Zubiri ang mga ahensyang maaaring tamaan pero ilan sa mga tanggapang may napakalaking intelligence at confidential funds ay ang Office of the Vice President na may 500 million pesos habang 150 million sa Department of Education o DOH

Sa 2024 proposed national budget, aabot sa 10.142 billion ang CIF, mas mataas ng 10.02 billion ngayong 2023

Bukod sa DepEd at OVP may malaking share sa CIF ang Office of the President na may 5.51 billion at ang Department of Agriculture na may 50 million na pinamumunuan rin ng Pangulo

Sabi ni Zubiri, dahil sa nangyari sa West Philippine Sea, dadagdagan ang budget ng sundalo at navy at coastguard personnel para magkaroon ng credible defense capabilities ang puwersa ng gobyerno

“Dahil sa nangyayari sa West Philippine Sea, gusto po namin dagdagan ang budget ng ating mga sundalo at navy personnel, lalo na sa navy at coast guard, to strengthen our external defense capabilities para magkaroon po tayo ng credible defensive posture.” pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *