Pondo para sa cancer assistance target ng senado na itaas sa 1 billion pesos
Target ng Senado na itaas sa one billion pesos ang pondo para sa cancer assistance ng mga mahihirap na pasyente sa 2024 proposed national budget
Ayon kay senador Christopher ”bong” Go na chairman ng Senate Committee on Health, kulang ang pondo para sa cancer assistance dahil sa tumataas na kaso ng tinatamaan ng naturang sakit
Bukod sa cancer assistance, maaaring mapondohan na rin aniya sa susunod na taon ang pagtatayo ng mga regional specialty centers sa buong bansa
Sa ilalim ng Republic Act 11959 o regional specialty center law, magkakaroon na rin ng heart, lung, kidney, neonatal, orthopedic at mental health sa mga DOH regional hospitals
Ito’y para hindi na kailanganing lumuwas pa ng metro manila ang mga pasyenteng may ganitong sakit at maagapan ang pagbibigay ng lunas sa kanila
“Ikakalat po ito sa mga existing DOH regional hospitals ito pong mga specialty center. malaking tulong po ito at nakakuha po tayo ng 24-0 na boto nito sa senado dahil alam po ng mga kasamahan natin na makakatulong po sa mga mahihirap nating kababayan. yan po ang batas na regional specialty center, prayoridad rin po yan ni Pangulong Bongbong Marcos at makakatulong ito na ilapit natin yung serbisyo medikal sa ating mga kababayan. Yan po ang regional specialty center act.” pahayag ni senador Bong Go
Meanne Corvera