Pinal nang pinagtibay ng senado ang panukalang salt industry revitalization
Dalawamput dalawang senador ang pumabor sa panukalang batas na layong palakasin ang industriya ng pag aasin sa pilipinas.
Pinagtibay ng senado ang panukala dahil sa datos na 90 percent ng pangangailangan sa asin sa pilipinas ay inaangkat pa sa ibang bansa kahit ang pilipinas ay napapalibutan ng tubig dagat.
Sa panukala na inakda ni senador Cynthia Villar bubuuin ang Philippine Salt Industry Development Council na siyang mangangasiwa sa pagpapalago ng salt industry habang ang board naman na nabuo sa pamamagitan ng ASIN law (RA 8172) ay patuloy na pagtutuunan ng pansin ang food grade salt.
Ang Philippine Salt Industry Development Council ay pangungunahan ng secretary ng Department of Agriculture o DA
Itinatakda rin ng panukala na ilipat sa BFAR ang pangangasiwa ng mga lupang matutukoy na angkop sa salt production mula sa DENR.
Meanne Corvera