Bilang ng mga namatay sa lindol sa Morocco, umakyat na sa 2,681; DFA wala pang natatanggap na ulat ng mga Pinoy na nadamay
Umabot na sa mahigit 2,600 katao ang nasawi habang lagpas 2,500 ang sugatan sa lindol sa Morocco.
Ito ay batay sa pinakahuling ulat na natanggap ng Embahada ng Pilipinas sa Morocco mula sa Moroccan Interior Ministry.
Ayon sa Philippine Embassy, sa ngayon ay wala pa itong natatanggap na ulat ng mga Pilipino na nadamay sa lindol.
Gayunman, tuluy-tuloy ang komunikasyon nito sa mga pinuno at coordinators sa iba’t ibang lugar sa Morocco.
Sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 4,600 Pinoy ang nagtatrabaho sa beauty salons, construction projects, at restaurants sa Morocco.
Wala pang opisyal na pahayag ang DFA kung magkakaloob ng Pilipinas na tulong sa nasabing bansa.
Pero may pahayag na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na handa ang Pilipinas na magbigay ng assistance sa Morocco.
Moira Encina