Isyu ng dalawang gobernador sa Maguindanao del Norte pinareresolba kay PBBM
Nananawagan ang kampo ni acting Maguindao del Norte governor Fatima Ainee Sinsuat kay pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na pakialaman na ang isyu sa pagkakaroon ng dalawang nakaupong gobernador sa lalawigan ng Maguindanao del Norte
Ayon sa kampo ni acting governor Sinsuat dapat bawiin na ng presidente ang pagtatalaga ng officer in charge o OIC Gobernador sa Maguindanao del Norte.
Itinalaga ng pangulo bilang OIC Gobernador ng Maguindanao del Norte si Abdulraof Macacua.
Sa pulong balitaan sinabi ni Atty. Samuel Divina tagapagsalita ni governor Sinsuat mismong ang korte suprema na ang nagdesisyon na si Sinsuat ang lehitimong gobernador ng Maguindao del Norte at hindi si Macacua na itinalaga ng pangulo.
Umapela ang kampo ni Sinsuat na dapat kilalanin ng pangulo maging ng iba pang ahensya ng gobyerno ang desisyon ng korte suprema upang pumayapa na ang sitwasyon at maging maayos na ang serbisyo sa lalawigan ng Maguindanao del Norte.
Kahit ang batas na lumilikha sa lalawigan na republic act 11550 ay malinaw ang na nakasaad kung sino ang uupong gobernador ng Maguindanao del Norte
Vic Somintac