Dapat bawasan muna ang buwis sa bigas – Sen. Bong Revilla
Sinusuportahan ni senador Ramon “bong” Revilla na ang mungkahi ng mga economic managers na alisin o kaya’y bawasan muna ang buwis na ipinapataw sa inaangkat na bigas
Ito’y para mapahupa ang presyo ng bigas habang wala pang naaani ang mga lokal na magsasaka.
Mabigat ayon sa senador na ang pumapasan ay mga small rice retailers na nalulugi dahil sa ipinatupad na price cap.
Kasabay nito kinakalampag ni Revilla ang Bureau of Customs, Department of Agriculture at iba pang law enforcement agencies na tugisin at parusahan ang mga smugllers na nagtatago ng bigas at sumisira sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka
Ang mga mahuhuli aniyang puslit na bigas dapat ipamigay sa mga mahihirap
“Smuggler ng mga bigas na yan, yan ang dapat hulihin parusahan ipamigay ng libre sa mga mamamayan ganti sa kanila mas malaki kita malilit.” bahagi ng pahayagi ni senador Bong Revilla
Samantala bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaniyang birthday si Revilla ay namigay ng ayuda o Assistance to individuals in crisis situation sa may mahigit dalawang libo at limandaang residente ng Quezon City.
Meanne Corvera