Pag-i-isyu ng Driver’s License target na matapos sa loob ng 2-3 buwan – LTO

Minamadali na ng Land Transportation Office ang pag i-isyu ng Driver’s License na target matapos sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, aabot sa 2.4 million ang backlog na Driver’s License.

Sinabi ng opisyal na natapos na ang ipinatupad na Temporary Restraining Order o TRO para sa delivery ng plastic cards kaya maaaring masimulan na ang paggawa ng lisensya

Ngayong linggo inaasahan aniyang mai-de-deliver na ang may 300 thousand na plastic cards ng supplier at sisikapin nilang matapos ang pag iimprenta sa isang milyong lisensya bago matapos ang Setyembre

May inorder na aniya silang limang milyong plastic cards dahil araw araw tumataas ang bilang ng mga kumukuha ng lisensya

Noong August 15 naglabas ng TRO ang Quezon City RTC laban sa LTO matapos magsampa ng kasong abuse of discretion ang natalong bidder sa plastic cards

“Ang delay kasi natin sa cards nasa 2.4 million ang backlog, which we can easily wipe out dahil ang order naman natin ay nasa five million. In two to three months, wala na dapat backlog sa driver’s license.” pahayag ni LTO Chief Mendoza

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *