DFA walang natanggap na ulat na Pinoy casualties sa pagbaha sa Libya

Walang mga Pilipino na napaulat na nadamay sa matinding pagbaha sa Libya.

Ito ay batay sa mga report na natanggap ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli mula sa community coordinators sa mga lugar na lubhang naaapektuhan ng pagbaha.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), patuloy ang koordinasyon ng Philippine embassy sa Pinoy communities at pag-monitor sa development ng trahedya.

Sinabi ng DFA na tinatayang 1,100 Pinoy ang nasa Eastern Libya kung saan ang 90 ay naninirahan sa mga lugar na malubhang tinamaan ng Storm Daniel.

Karamihan din anila sa mga nasabing lugar ay mga nurse at clinical instructors.

Ang mga nasabing Pinoy ay nailipat na sa mas mataas na lugar ng hospital management at patuloy na nagtatrabaho sa mga ospital.

Base sa mga report na natanggap ng embahada ay mahirap pa rin ang komunikasyon sa lugar dahil hindi pa rin naibabalik ang kuryente.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *