Isa pang Kadiwa Pop-up Store inilunsad sa loob ng NBP

Dinumog ng mga mamimili ang isa pang Kadiwa Pop-up Store ng Department of Agriculture (DA) na inilunsad sa NBP Reservation sa Biazon Road, Muntinlupa City.

Kabilang sa mga mabibili ay mga gulay, prutas, itlog, isda, karne, cooking oil, kape, tsaa, noodles, mushrooms at iba pang food products na mula sa walong accredited Kadiwa sellers mula sa Pampanga, Nueva Ecija at NCR.

Ayon kay DA- Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban, isinabay nila ang pagbubukas ng nasabing pop-up store sa kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Miyerkules, September 13 bilang regalo sa kaniya.

Mas mura aniya ang mga bilihin sa Kadiwa kumpara sa mga palengke dahil direkta na itong ibinibenta mula sa farmers at producers.

Sinabi naman ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. na bukas para sa lahat ng mga residente ng Muntinlupa City ang pop-up store at hindi lang para sa mga empleyado ng BuCor at mga residente sa Bilibid Reservation.

Plano rin nilang gawin na flea market ang lugar tuwing Sabado at Linggo.

Sa ngayon ay wala pang tindang bigas sa Kadiwa Pop-up store.

Pero ayon kay Catapang, maaaring sa Sabado ay magkaroon na ng suplay ng mga bigas doon.

Kaugnay nito ay balak din ng BuCor na gawin na Pambansang Bagsakan ng Bigas para sa Mamamayan ang Bilibid Reservation.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *