Testigo na si Alyas Dodong tinangkang patayin sa kanyang tinutuluyang bahay

Tinangkang patayin ang testigo sa pangmamaltrato sa isang kasambahay na si Elvie Vergara sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Ayon kay senador Francis Tolentino, sinabi sa kanya ni Police Brigadier General Joel Doria, director ng PNP Regional Office 4b o Mimaropa na pinasok ng dalawang naka-bonet ang tinutuluyan ng testigong si Alyas Dodong sa Paluan, Mindoro Occidental pasado 8:30 kagabi

Nagpaputok pa aniya ng baril ang mga suspek pero hindi tinamaan si Dodong at sa ngayon ay nasa ligtas na lugar.

Si Alyas Dodong ay nakatakdang tumestigo sa senado ukol sa pangmamaltrato kay Vergara, ang kasambahay na nabulag at nagtamo ng matinding trauma at injury sa katawan dahil sa umanoy matinding pambubugbog ng mga naging amo.

Hiniling na ni tolentino sa mga otoridad na bigyan ng seguridad sina aling Elvie at Alyas Dodong na nag-aalala na sa kanilang kaligtasan dahil ilang araw nang may umaaligid sa kanilang tahanan.

Pinabigyan ng abogado ng senador si aling Elvie.

Ang komite ni Tolentino ang nag iimbestiga sa kaso ng pagmaltrato kay Vergara

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *