Kaso laban sa onion smugglers, target na maihain sa Lunes
Isinasapinal na ang mga kaso na isasampa ng NBI laban sa mga nasa likod ng smuggling at pagmanipula sa presyo ng sibuyas sa bansa.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, sa Lunes ay inaasahang maihahain na ang mga reklamo ng NBI laban sa mga salarin.
Mga reklamong profiteering, price manipulation at iba pang kaugnay na kaso ang ihahain laban sa respondents.
“Ang pakiusap ng mga imbestigador sa Monday na nila i-file ibang kaso price manipulation profiteering and other crime related to onion price manipulation onion smuggling crisis that we had last 2 months. Ito po ay may kaso na tayong inihahanda.” pahayag ng Kalihim.
Nakatuwang aniya ng NBI ang DOJ at ang Kamara sa isinagawang imbestigasyon at case build-up dahil sa whole-of-government approach nila para mapanagot ang onion smugglers.
Nabanggit dati ng kalihim na posibleng makasuhan ay mga dati at kasakuluyang opisyal ng pamahalaan.
Una nang bumuo ng anti- agricultural smuggling task force ang DOJ na mag-iimbestiga at maghahabol laban sa mga sindikato na nasa likod ng onion smuggling.
Moira Encina