5.768 trillion pesos 2024 proposed National Budget isasalang na ng Kamara sa plenary debate sa susunod na Linggo

Binuo na ng Executive Committee o EXECOM ng House Committee on Appropriations ang report ng 2024 proposed National budget na nagkakahalaga ng 5.768 trillion pesos.

Sinabi ni Congressman Elizaldy Co Chairman ng House Committee on Appropriations na sa susunod na Linggo ay isasalang na sa plenary debate ang committee report ng 2024 proposed National Budget.

Batay sa legislative calendar ng mababang kapulungan ng Kongreso isasalang sa planery deliberations ang panukalang pambansang pondo mula September 19 hanggang September 27 at pagtitibayin ang bersiyon ng Kamara bago ang adjournment ng session sa September 30 para mapadala agad sa senado.

Inumpishan ng House Committe on Appropriations ang committee deliberations ng 2024 proposed National Budget noong August 10 at natapos noong September 11.

Ayon sa proseso ng batas ipapadala ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Senado ang house version ng proposed national budget para sa sariling version ng senado at kung mayroong hindi pagkakasundo ay aayusin sa Bicameral conference committee bago ipadala sa Office of the President ang final version ng dalawang kapulungan ng Kongreso para pirmahan ng Pangulo ng bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *