OCD handang magpadala ng humanitarian contingent sa Morocco
Inihayag ng Office of Civil Defense (OCD), na handa itong magpadala ng isang contingent sa Morocco, na kamakailan ay tinamaan ng malakas na 6.8-magnitude na lindol na ikinamatay ng halos 3,000 katao at ikinawasak ng mga komunidad.
Sinabi ni OCD administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, na ang OCD na siyang executive arm ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ay gumagawa na ng arrangements at tinitingnan ang posibleng deploymanet ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) sa Morocco kung saan nagpapatuloy pa rin ang search, rescue at retrieval operations.
Ang contingent ay bubuuin ng mga tauhan mula sa OCD, 525th Engineering Combat Battalion ng Philippine Army, 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection – Special Rescue Unit, Metropolitan Manila Development Authority, Davao Rescue 911, at ng Department of Health.
Samantala, sinabi ni Nepomuceno, na siya ring NDRRMC executive director, na ang lindol sa Morocco ay isang mahigpit na paalala para sa lahat na patuloy na maghanda laban banta ng mga lindol, laluna ang malalaking lindol.
Nanawagan siya sa publiko at iba pang stakeholders na aktibong makilahok sa “earthquake resilience endeavors” ng pamahalaan.
Aniya, “It is terrifying that in just seconds, an earthquake could claim many lives and leave massive destruction. Through the whole-of-government and whole-of-nation approach, we should strengthen our prevention, mitigation, and preparedness measures against earthquakes.”