Sampu patay sa pagtama ng tornado sa eastern China
Sampu katao ang nasawi at ilang iba pa ang malubhang nasaktan, nang tamaan ng tornado ang eastern China.
Ayon sa state broadcaster na CCTV, “A strong tornado occurred in Suqian, Jiangsu Province… causing casualties and property loss in certain areas.”
Batay sa “preliminary statistics” na binanggit sa report, naapektuhan nito ang mahigit sa 5,500 katao, ar 137 mga bahay naman ang nagiba.
Mahigit sa 400 katao rin ang pansamantalang inilipat ng lugar dahil sa tornado.
Makikita sa mga video footage na naibahagi sa social media na pinatatakbo ng estado, ang malakas na hanging tumatangay sa mga debris sa paligid at ibabaw ng mga residential building, maging ang isang kalsadang napuno na ng mga nahulog na signages at iba pang mga bagay.
Ang China ay dumanas ng “record-breaking” na mga pa-ulan at ilang linggong “historic heat” ngayong tag-init, kung saan sinabi ng mga siyentipiko na ang “extreme weather events” ay lalo pang pinalalala ng climate change.
Noong 2016, ang buong village sa Jiangsu ay napatag at hindi bababa sa 98 katao ang nasawi makaraang tamaan ang rehiyon ng isang bagyo na may lakas ng hangin ng isang hurricane, gayundin ng pinakamalakas na tornado na kanilang naranasan sa nakalipas na kalahating siglo.