Mga residenteng apektado ng volcanic smog at vog, pinabibigyan ng Kamara ng gamot at N95 facemask sa DOH AT LGUs
Umapela si House Speaker Martin Romualdez sa Department of Health ( DOH ) at Local Government Units (LGUs) na bigyan ng libreng gamot at N95 facemask ang mga residenteng apektado ng nararanasang volcanic smog at vog.
Dahil sa naturang smog at vog, nagkansela ng pasok ang mga tanggapan at paaralan sa Metro Manila, Batangas, Cavite at Laguna.
Batay sa inpormasyong natanggap ng Kamara, marami pang stock ang DOH na N95 facemask na binili noong kasagsagan ng pandemya ng COVID-19.
Ayon sa liderato ng Kamara, kailangang maprotektahan ang mga residenteng apektado ng volcanic smog at vog dahil sa posibleng pagkakaroon ng respiratory illness.
Kung wala agad na maipapamahaging N95 facemask, kailangang gumawa ng improvised facemask para maprotektahan ang sarili sa masamang epekto sa kalusugan ng volcanic smog at vog.
“We urged the Department of Health (DOH) and concerned local government units to help people affected by the Taal’s volcanic smog or vog. We have to assist residents of areas around Taal Volcano like Batangas, Cavite, Laguna, and even Metro Manila cope with this temporary problem” pahayag ni Romualdez.
Vic Somintac