100 patay sa sunog sa isang kasalan sa Iraq
Hindi bababa sa 100 katao ang namatay at mahigit 150 ang nasaktan, makaraang sumiklab ang sunog sa isang kasalan sa bayan ng Qaraqosh, sa kanlurang Iraq.
Sa main hospital ng bayan na nasa silangan ng Mosul, dose-dosenang mga tao ang nagtipon upang mag-donate ng dugo.
Banggit ang isang “preliminary tally,” iniulat ng official INA news agency ng Iraq na 100 patay at higit 150 nasaktan ang nabilang ng health authorities sa Nineveh province mula sa nangyaring sunog sa isang marriage hall sa Hamdaniyah na isa pang kilalang tawag sa Qaraqosh.
Ang nasabing bilang ay kinumpirma naman ng tagapagsalita ng health ministry na si Saif al-Badr.
Sinabi ni Badr na karamihan sa mga nasaktan ay ginagamot dahil sa paso o kakulangan ng oxygen, at idinagdag na nagkaroon din ng stampede sa pinangyarihan ng sunog.
Emergency teams inspect the charred remains of the event hall in Iraq’s Qaraqosh after the deadly blaze / Zaid AL-OBEIDI / AFP
Sa isang pahayag, ay binanggit ng civil defence authorities ang pagkakaroon ng prefabricated panels sa loob ng event hall na anila’y “highly flammable and contravened safety standards.”
Ayon pa sa pahayag, “The danger was compounded by the ‘release of toxic gases linked to the combustion of the panels,’ which contained plastic.”
Nakasaad pa rito, “The fire caused some parts of the ceiling to fall due to the use of highly flammable, low-cost construction materials.”
May mga “preliminary information” din na nagpapahiwatig na ang fireworks ang sanhi ng sunog.
Kuwento ng 17-anyos na wedding guest na si Rania Waad, na nagtamo ng paso sa kamay, “As the bride and groom ‘were slow dancing, the fireworks started to climb to the ceiling (and) the whole hall went up in flames,’ we couldn’t see anything, we were suffocating, we didn’t know how to get out.”
People gather outside a refrigerated truck carrying body bags at the hospital in Hamdaniyah / Zaid AL-OBEIDI / AFP
Sa isa namang maikling pahayag, ay inatasan ni Prime Minister Mohamed Shia al-Sudani ang lahat ng health at interior ministers na “pakilusin ang lahat ng rescue personnel” upang tulungan ang mga biktima ng sunog.
Sinabi ng health ministry, na nagpadala na ng medical aid trucks sa lugar galing sa Baghdad at iba pang mga lalawigan, habang ang kanila namang mga team sa Nineveh ay pinakilos upang tulungan ang mga nasaktan.
Ang mga pamantayang pangkaligtasan sa sektor ng konstruksiyon ng Iraq ay kadalasang binabalewala, at ang bansa, na ang imprastraktura ay hindi na maayos pagkatapos ng mga dekada nang tunggalian, ay kadalasang pinangyayarihan ng mga nakamamatay na sunog at aksidente.