Mario Marcos pinasinungalingan ang mga alegasyon laban sa kaniya ng mga sinasabing nabiktima nito

Itinanggi ng negosyanteng si Mario Marcos ang mga reklamo na inihain sa kaniya ng mga sinasabing biktima nito.

Sinabi ni Marcos na lehitimo siyang negosyante at hindi niya ginagamit ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para manloko ng mga tao.

Aniya, nauna niyang sinampahan ng mga reklamo ang mga nagpakilalang biktima niya dahil ang mga ito ang may ginawa ng masama laban sa kaniya.

Kabilang sa mga reklamo na inihain niya laban sa isang alyas Maria ay large scale estafa, qualified theft, unjust vexation, at intriguing one’s honor.

Wala rin aniyang katotohanan ang hiwalay na syndicated estafa na isinampa sa kaniya sa DOJ ng isang public relations consultant.

Tiniyak din ni Marcos na sasagutin ng kanilang kampo sa proper forum ang mga paratang laban sa kaniya sa oras na matanggap ang kopya nito.

Inamin ni Marcos na nagtatago siya dahil sa mga banta sa kaniyang buhay pero siya ay nasa Pilipinas.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *