Mga opisyal ng Philhealth ginisa ng mga Senador
Ginisa ng mga Senador ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation sa Budget Hearing sa Senado.
Ito’y matapos sabihin ng Philhealth na financially healthy ngayon ang ahensya at kayang tustusan ang pagpapagamot ng lahat ng mga miyembro lalo na ng mga indigent patient sa ilalim ng Universal Healthcare Law.
Katunayan, sabi ng Philheath, hindi na sila humihingi ng dagdag na pondo o subsidy sa gobyerno dahil sapat na ang kanilang income
“Total benefit expenses – estimate 252 billion pesos – expected revenues for 2024 – around 168 billion pesos – our net income for 2024 is rought 100 billion pesos if we add – revenue 168 plus 102b – enough to cover the benefit expenses.” paliwanag ni President and CEO, Philhealth Emmanuel Ledesma
Pero tanong ng mga Senador, bakit nanghihingi pa rin ng guarantee letters ang mga mahihirap na pasyente.
Araw-araw ayon kay Senador Loren Legarda maraming lumalapit sa kanila dahil hndi makapagpagamot dahil sa maliit na pondo na ibinibigay ng Philhealth
Ito’y kahit pa ang mga pasyente ay naka-confine sa mga government specialty hospital gaya ng Lung Center, Heart Center at East Avenue Medical Center
“Lahat po ng mahihirap sa ating bansa middle class mahirap na rin ngayon papaniwalaan po kayo you said 100 percent availment kailangan ma-confine emergency operations hanggang recovery sagot lahat? hindi pala sa Heart Center – kakaano sabi niya covered hanggang huli.” pahayag ni Senador Loren Legarda
“Wag natin bolahin ang public kasi alam namin na may procedures comlovated na hindi covered kaya maraming humingingi open heart surgery hindi talaga covered.” pahayag naman ni Senador Pia Cayetano
Depensa naman ng philhealth, nakadepende sa case rate ang pagbabayad ng Philhealth may mga benefits package aniya na ini-adjust na sa loob ng nakalipas na 11 taon kabilang na ang Severe Pneumonia
“The severe Pneumonia we cover 32k case rate confinement however rationalization – new costing 80k yun ang mangyayari with regard coverage especially indigents we do have financial protection policy no balance billing indigent actually admitted government ward facility then there is policy no balance billing at all.” wika ni Dr. Vargas – Philhealth
Sabi ng Philhealth, nasa 73 percent na ng 21 billion pesos na claims sa kanila ang nabayaran na.
Hindi naman sumipot sa pagdinig para sa budget ng Department of Health ang na-bypassed na Kalihim na si Ted Herbosa
Kailangan itong i-re-appoint ng Pangulo dahil nag-lapse na ang kaniyang appointment matapos mag adjourn ang sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso kahapon.
Meanne Corvera