Vote Counting Machine na binili ng Comelec sa kumpanyang Smartmatic hindi na gagamitin sa 2025 Elections
Bumuo ng isang task force ang Commission on Elections para imbestigahan ang napaulat na umano’y kwestyonableng bidding at procurement ng makina na ginamit noong 2016 elections.
Una rito, napaulat na sinampahan ng reklamong money laundering sa Estados Unidos si dating Comelec Chairman Andy Bautista kaugnay sa sinasabing pagtanggap umano nito ng suhol mula sa isang poll technology company at subsidiaries nito kapalit ng kasiguraduhang makukuha nila ang kontrata sa election contracts.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, layon ng chairman’s task force na malaman ang katotohanan .
“Para malaman natin, naghahanda tayo sa procurement ng bagong makina na gagamitin sa 2025 elections kasama lahat ng sistema patungkol sa automated elections. Ito ay magandang bagay guidance ng present leadership ng Comelec lalo involve dito bilyong piso ayaw natin magkamali o nangyari noong nakaraan we will leave it to the sa 2025, hindi na gagamitin ng Comelec ang mga vote counting machines na binili ng Comelec sa kumpanyang smartmatic. Una na rin itong idineklarang “unusable” ng poll body.” pahayag ni Comeclec Chairman George Garcia
“May akusasyon kasi tungkol sa rigged bidding procurement yan kaya tayo napa-meeting agad sa SBAC nakakagambala talaga ganyan balita on part of Comelec nag-create tayo ng TF chairman’s TF’S whatever happened taon na sinabi alamin natin puno’t dulo ng lahat alamin natin mga tao may kinalaman.” patuloy na pahayag ni Chairman Garcia.
Sa kabila ng issue na ito, nilinaw naman ni Garcia na hindi nila pwedeng idiskwalipika ang smartmatic sakaling sumali ito sa bidding para sa bagong makina sa 2025…
“Di puwede mag-disqualify ang Comelec dahil sa speculation alegasyon mahirap kami naman mapa-file-an ng kaso sa kasalukuyan may naka-file sa atin, di kami magdalawang isip dahil lang sa nangyari na yan bago matapos 2023 bagong machine ito bagong sistema masikip timeline natin di dapat makahaba sa proseso ng procurement.” Wika pa aniya.
Pero tiniyak ni Garcia na sisiguruhin nila na magiging bukas sa lahat ang bidding sa bagong makina at lahat ay mabibigyan ng pagkakataon.
Ngayong araw, lumagda rin sa isang memorandum agreement ang Comelec sa Public Attorneys Office kaugnay ng nalalapit na BSKE.
Ayon kay Garcia, makakatuwang nila ang PAO sa mga reklamo o kasong may kinalaman sa vote buying at selling maging sa paghahanda ng mga kinakailangang dokumento sa pagsasampa ng mga reklamo o kaso sa mga sangkot riot.
Tutulong rin sila sa pagbibigay ng legal assistance sa mga uniformed personnel na mangangailangan sakaling maireklamo habang gumaganap ng tungkulin.
Madelyn Moratillo