DOJ inihahanda na ang kaso ng environmental destruction na isasampa laban sa Chinese maritime militia kaugnay sa pagkasira ng corals sa West Philippine Sea
Kinausap na ni Justice Secretary Crispin Remulla si Executive Secretary Lucas Bersamin ukol sa kaso na isasampa ng gobyerno ng Pilipinas laban sa mga may kagagawan ng pagkasira ng likas na yaman sa West Philippine Sea.
Ayon kay Remulla, may kinukonsulta na silang mga abogado na eksperto sa environmental laws para sa inihahanda nilan draft ng pleadings.
Sinabi ng kalihim na batay sa inisyal na imbestigasyon sinira ang corals para gawin na panambak sa ibang bahagi ng West Philippine Sea para palabasin na may natural formations na aangkinin ng China.
“It doesnt take overnight. It’s not overnight that we can prepare all of these. It takes a lot of study and coordination with the Coast Guard and other persons who will give us the evidence that we can bring forward in pursuit of these cases so were in the preparatory stage for case of an environmntal destruction against several persons manning the vessels who are identified with people Republic of China” pahayag ni DOJ Secretary Crispin Remulla
Posible aniyang sa Permanent Court of Arbitration (PCA) ihain ng pamahalaan ang ang reklamo laban sa maritime militia ng Tsina at sinumang mapapatunayan na may kagagawan sa pagwasak sa corals sa bahagi ng West Philippine Sea.
Pero pinagaaralan din aniya ng DOJ ang iba pang tribunals na may hurisdikyon sa kaso kung saan maaari nilang isampa ang kaso.
“We look at it as state sponsored activity that is happening unless it is denied by people Republic of China that they are doing something of this magnitude in the destruction of huge portions of west Phillipine Sea” dagdag pa ng Kalihim.
Moira Encina