BIR kulang ng mga tauhan dahil sa mababang sahod
Mababang sahod ang umano’y dahilan ng Bureau of Internal Revenue kaya kulang ang mga Tax Collector…., Accountant at mga Abugado.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance sa hinihinging pondo ng Department of Finance, lumitaw na sa 11, 700 na mga bakanteng posisyon sa BIR, mahigit 7,700 dito bakante.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, nahihirapan sila sa pagre-recruit ng mga tauhan lalo na sa mga regional offices sa mga lalawigan dahil sa mababang sweldo kumpara sa ibang tanggapan ng gobyerno.
Sa kasalukuyan ang entry level ng suweldo para sa isang Abugado sa BIR, aabot lang sa 27 thousand pesos kada buwan taliwas sa 51 thousand pesos sa ibang tanggapan ng gobyerno tulad ng civil service.
“We’re having difficulty recruiting as well especially provinces you’ll see a lot of vacancies especially for accountant and lawyers if you compare entry level lawyers it’s 27 thousand monthly salary challenges that were having.” pahayag ni BIR Commissiner Romeo Lumagui
Kakaunti aniya ang nag-a-aplay kahit pa iniklian na ang proseso at binawasan na rin ang mga requirements para sa mga aplikante.
Ang kanilang mga empleyado naman nagre-resign at lumilipat sa ibang tanggapan ng gobyerno
Umapila sya sa mga mambabatas na kailangan ngayon ang suporta para sa adjustment ng suweldo.
Ito’y para hindi rin matukso ang mga mangagawa sa anumang korapsyon at magawa ang kanilang trabaho na maayos na makolekta ang buwis.
“As far as improving the plantilla item we have a lot service should be created but some limitations were not able certain divisions this will greatly help a lot if we have increase in salaries hopefully competitive in private and government agencies as well.” dagdag pa ni Lumagui
Meanne Corvera