2 commissioner ng CHED nahaharap sa kaso ng anomalya sa paggastos ng pondo
Dalawang commissioners ng Commission on Higher Education o CHED ang nahaharap ngayon sa kaso dahil sa umanoy anomalya sa paggastos ng pondo at pag abuso sa kapangyarihan
Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera na nakakatanggap sila ng reklamo laban kina commissioners Aldrin Darilag at Jo Mark Libre.
Inirereklamo aniya ang dalawa dahil sinasagot ng mga State Universities ang gastos sa kanilang mga pag iikot sa mga eskwelahan
Marami rin ang kanilang kasama kapag nagkakaroon ng board meeting na ginagawa buwan buwan na ginagawa pa umano sa mga mamahaling lugar at ang sumasagot sa gastos ang ay mga state universities and colleges.
Sa kabila nito, sinabi ni De Vera na wala siyang kapangyarihan para patawan ng disciplinary action ang dalawang commissioners.
“Mayroong reklamo na ‘yung ibang commissioner daw namin ay kung mag-hold ng mga board meeting ay masyadong marami, masyadong madaming ang tao kasama, kaya masyadong magastos para sa State Universities and Colleges. Mayroong ding reklamo na ang kanilang mga galaw, pag-ikot nila sa mga Universities ay sagot lahat ng mga State Universities.” paliwanag ni Ched Chairman Prospero de Vera.
Itinanggi ng mga opisyal ang alegasyon laban sa mga ito
Nagulat ang mga senador sa alegasyon laban sa dalawa
Kapwa hinimok nina Senador Pia Cayetano at Joel Villanueva ang mga SUCS na mag-report sa kanilang tanggapan at tiniyak na hindi kukunsintihin ang ganitong mga gawain
“I’m shocked by these allegations. I’m like really ‘laglag-sa-upuan-ko’ shocked kasi i remember when i was chairman of the committee on education, i was very specific with my representatives na lahat ng honoraria na matatanggap, kailangan ire-report sa akin kasi ayoko na may tinatanggap sila na hindi ko alam.” pahayag ni Senadora Pia Cayetano.
Meanne Corvera