DSWD tutulungan ang pamilya ng grade 5 student sa Antipolo city na namatay dahil sa umano’y pananampal ng kanyang teacher
Nagsasagawa na ng case management ang Department of Social welfare and Development o DSWD sa kaso ng pagkamatay ng grade 5 student na si Francis Jay Gumikib matapos sampalin umano ng kanyang teacher sa Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City.
Batay sa report ni DSWD Region 4a Director Barry Chua kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian nakipag-ugnayan na ang mga social workers sa pamilya ni Gumikib para mabigyan ng mga tulong financial na kakailanganin sa pambayad sa hospital at pagpapalibing sa biktima.
Sinabi ni DSWD Spokesman Assistant Secretary Romel Lopez na tutukan ng ahensiya ang kaso ni Gumikib hanggang sa makamit ang hustisya sa kanyang pagkamatay.
Nagsasagawa narin ng criminal investigation ang Antipolo Police samantalang nagsasagawa din ng hiwalay na fact finding investigation ang Department of Education o DepEd para sa kasong administratibo na kakaharapin ng teacher ni Gumikib.
Vic Somintac