Online operation ng PhilHealth balik na

Balik na sa operasyon ang mga application systems ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Sa kanilang Facebook post, sinabi ng PhilHealth na hanggang noong alas-9:00 ng gabi nitong October 3, balik na sa normal ang kanilang website (www.philhealth.gov.ph), gayundin ang kanilang Member Portal.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang respective accounts, maaaring isagawa ng mga miyembro ang mga sumusunod sa Member Portal:

  • View membership details and contribution history
  • Pay contributions
  • Download and print Member Data Record (MDR), at
  • View list, choose and register to the Konsulta Package Provider of their choice

Maaari na ring mag-access ang mga miyembro sa eClaims kung saan maaaring mag-transmit ng electronic claims sa PhilHealth ang mga accredited health facilities.

Operational na rin ang HCI Portal na nagpapahintulot sa mga health facilities na mabilis na ma-establisa ang eligibility ng mga miyembro at dependent’s nito para maka-avail ng benepisyo.

Dagdag pa ng PhilHealth na makakapag-remit na rin at maire-report ng mga employers sa gobyerno at pribadong sector ang premium contributions ng kanilang mga miyembro gayundin ang counterpart/share online sa pamamagitan ng Electronic Premium Remittance System (EPRS).

At para naman sa online transaction ng PhilHealth at mga accredited Collecting Agents, maaari na ring gamitin ang ePAR (electronic PhilHealth Acknowledgement Receipt), kapalit ng manual issuance of official receipts.

Matapos atakihin ng Ransomware Virus ang sistema ng PhilHealth, nai-restore ang sistema noong September 29, 2023, gayunman patuloy pa rin ang imbestigasyong ginagawa para tukuyin kung paano na-hack ng cybercriminals ang PhilHealth database.

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *