3 mangingisda patay matapos salpukin ng dayuhang barko sa Bajo de Masinloc
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na may 3 mangingisdang pinoy ang namatay matapos banggain ng isang hindi pa tukoy na foreign commercial vessel malapit sa Bajo de Masinloc.
Ayon sa PCG, batay sa impormasyon mula sa crew ng FFB DEARYN, nangyari ang insidente bandang 4:20am noong October 2 habang naka-moored ang kanilang mother boat para makapangisda sa 85 nautical miles northwest ng Bajo de Masinloc.
Lumubog umano ang nasabing mother boat na nagresulta sa pagkasawi ng 3 crew members nito kasama ang boat captain.
Nakaligtas naman ang 11 crew members nito.
Nakaalis naman sila sa lugar sakay ng 8 service boats paalis ng ang naibyahe ang mga biktima patungong Barangay Cato, Infanta, Pangasinan.
Dumating sila sa Pangasinan kahapon at inireport ang insidente sa pinakamalapit na Coast Guard sub-station para sa assistance.
Madelyn Moratillo