Nilimitahan ng Kamara ang bibigyan ng CIF sa 2024 National Budget
Ibinahagi ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang proposed amendments na tinalakay sa binuong small committee ng Kamara na pinangungunahan ng House Committee on Appropriations para sa 2024 proposed National Budget.
Ayon sa komite kritikal ang pangangailangan na i-redirect ang confidential at intelligence funds sa mga programang may kinalaman sa national security, anti-smuggling gayundin sa aktibidad ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na po-protekta sa West Philippine Sea at fishing grounds.
Sinabi ng Kamara na lumobo sa dalawampu’t walong ahensya ng gobyerno ang humiling ng confidential at intelligence funds para sa 2024 National Budget.
Sa plenary deliberations ng 2024 proposed National Budget na nagkakahalaga ng 5.768 trilyong piso inalis ang confidential at intelligence funds na hinihingi ng mga ahensiya ng gobyerno na walang kinalaman sa national security kasama ang Office of the Vice President.
Niliwanag ng Kamara na hindi dapat abusuhin ng mga ahensya ng pamahalaan ang pag-request ng confidential at intelligence funds lalo’t mas marami pa ang higit na nangangailangan.
Vic Somintac