Lima nasaktan sa campus shooting sa Baltimore

AFP

Hindi bababa sa lima katao ang nasaktan sa nangyaring pamamaril sa isang university campus sa eastern city ng Baltimore sa Estados Unidos.

Ayon kay Baltimore Police Commissioner Richard Worley, nangyari ang pamamaril sa campus ng historically Black university Morgan State.

Aniya, lima katao na nasa pagitan ng edad 18 at 22 ang nasaktan sa pangyayari, ngunit wala isa man sa kanila ang nanganganib ang buhay.

Sinabi naman ni university police chief Lance Hatcher, na apat sa mga nasaktan ay pawang mag-aaral sa kolehiyo.

Samantala, inalis na ang active shooter alert na unang inilabas na sanhi upang ilang oras munang isara ang campus, at kinansela rin ang mga klase.

Ayon sa mga opisyal, wala pang nangyaring pag-aresto kaugnay ng pamamaril ngunit hinimok ng mga awtoridad ang pamilya ng mga estudyante na umiwas sa lugar.

Ang estado ng Morgan ay mayroong humigit-kumulang 9,000 mga mag-aaral.

Naging nakaaalarma na, na ang mass shootings ay nagiging karaniwan na sa magkabilang panig ng Estados Unidos, kung saan madali lamang ang magmay-ari ng mga armas at may ilang estado pa na mas marami ang mga baril kaysa mga tao.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *