Senador Raffy Tulfo naghain ng Senate Resolution para maimbestigahan ang isang consultancy firm na Alpha Assistenza SRL
Pinaiimbestigahan ni Senador Raffy Tulfo sa Senado ang napaulat na multi-million illegal recruitment scheme na bumibiktima ang mga Pinoy na nagbabalak magtrabaho sa Italy.
Naghain na si Tulfo na chairman ng Senate Committee on Migrant Workers ng Senate Resolution 816 para paimbestigahan ang isyu
Nakatanggap ng reklamo ang Senador mula sa daan-daang biktima na natangayan ng pera ng consultancy firm na Alpha Assistenza SRL na pinamunuan ng mga Pinoy na si sina Krizelle Respicio at Frederick Dutaro.
Ayon sa Senador humingi ng tulong sa kanya ang ilan sa mga biktima na nagbayad sila sa Alpha Assistenza ng 2500 euros o katumbas ng 120 thousand pesos habang ang ilan umabot pa sa 300 thousand pesos sa paniniwalang makakakuha ng trabaho sa Italy.
Matapos umanong maibigay ang bayad, ipinadala sa mga aspiring OFW via email o social media ang kanilang work permit. Pero nang isumite nila ang dokumento sa Italian Embassy sa Pilipinas, tinanggihan ito.
68 na complainants ang nagsampa na ng kaso sa Department of Justice sa Maynila habang inalerto ng embahada ng Pilipinas sa Italy ang Public Prosecutors Office sa Roma, at ang Italian Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation ng umano’y large-scale fraud.
Meanne Corvera