Dagdag na pondo hiningi ng DOJ sa budget hearing

Humingi ng tulong ang Department of Justice sa Senado para madagdagan ang kanilang pondo para sa recruitment ng karagdagang NBI agent at mabilis na maresolba ang mga krimen

Sa Budget hearing sa Senado, sinabi ni NBI Director Attorney Medardo de Lemos na aabot lang sa mahigit apat na raan ang kanilang agent kulang para imbestigahan lalo na ang mga cybercrime

Ayon kay De Lemos, itinaas na rin sa salary grade 22 o katumbas ng 80 thousand pesos ang entry level ang sweldo ng NBI agent pero kapos naman sila sa pondo para sa recruitment at training

Target sana nilang makapagrecruit ng 120 agents kada taon pero hindi kakayanin dahil wala silang pondo

Sinabi ni Justtice Secretary Crispin Remulla na humingi sila ng 290 million na pondo para sa training kasama na ang mga prosecutor pero aabot lang sa 18 million ang inaprubahan ng DBM


Kung meron tayong cybercrime prosecutor na especialized we will be needing 200 people for this kasi ang krimen ngayon eh cyber content in fact mga holdap ng bangko wala na naririnig pumapasok sa bangko na may hawak na baril ang nangyayari po sa computer ninanakaw ang pera bank robbery sa telepono na ho.” pahayag ni DOJ Secretary Crispin Remulla

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *