Isang Pinoy napaulat na dinukot sa harap ng gulo sa Israel at Palestinian militants –DFA
Nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv sa mga Pinoy community sa Israel at iba pang contacts doon matapos na makatanggap ng ulat na may isang Pinoy na posibleng dinukot sa harap ng kaguluhan doon.
Dumulog ang isang Pilipina sa Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv matapos na mamukhaan ang kaniyang mister sa isa sa mga video na kumakalat sa social media na nagpapakita ang isang lalaki na hawak ng ng armadong grupo at posibleng dinala sa Gaza.
“One Filipina from the Philippines reached out to the Embassy and said that she recognized her husband in one of the videos circulating in social media which shows a man being held by armed individuals, most likely brought to Gaza.”pahayag ng DFA
Ito ay batay sa ulat na ipinadala ng Philippine Embassy sa Tel Aviv sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA, agad na ipinabatid ng embahada sa mga otoridad sa Israel ang ulat ng Pinay.
Hindi maberipika ng embahada ang pagkakakilanlan ng lalaki pero itinuturing nito na mahalaga ang report ng misis.
“Post urgently relayed this to the Israel military authorities. Post cannot independently verify his identity based on the video alone but considers the report of the wife as important. We are also working with community contacts on his case.” pahayag pang muli ng Embahada
Kabuuang anim na Pinoy naman ang iba pang unaccounted for o hindi ma-contact sa kanilang cellphone o social media.
Tiniyak naman ng embahada na walang tigil ito sa pakikipagugnayan sa Israeli security at community contacts para mabatid ang kalagayan ng mga nasabing Pinoy.
“The Embassy is working non-stop with Israeli security authorities and community contacts to ascertain their condition. We continue to await feedback from them.”paliwanag ng Embahada
Samantala, nakatanggap ang Embahada ng Pilipinas sa Jordan ng requests mula sa mga Pinoy sa Gaza na mare-patriate ang mga ito.
Aabot sa 25 na mga Pilipino ang nagpahayag ng intensyon na sila ay makaalis na sa Gaza.
Nasa 137 ang Pinoy sa Gaza.
“Yes ,the Philippine Embassy in Amman, Jordan has received requests for repatriation from Filipinos in Gaza.” Numbers may change as some are still undecided, but as of date , 25 who have signified their intention, informed Post they want to leave Gaza.” dugtong pa ng Embahada
Kabuuang 22 Pinoy naman mula sa 29 reported missing ang nasagip sa kaguluhan sa Israel at inilipat na mas ligtas na lugar o kaya ay sa hotels.
Mula sa mga na-rescue, isa ang ginagamot sa isang ospital para sa moderate injuries habang may isa ang ginamot sa smoke inhalation at nagpapahinga na sa Tel aviv.
Moira Encina