Pagkatalo ng Spurs sa Mavericks, nagpahina sa NBA debut ng French star na si Wembanyama
Umiskor ang French prodigy na si Victor Wembanyama ng 15 puntos sa kanyang inaabangang NBA debut, ngunit hindi ito nakasapat para mapigilan ang pagkatalo ng San Antonio Spurs laban sa Dallas sa score na 126-119.
Ang nangungunang NBA Draft pick ngayong taon, ay gumawa ng 6-of-9 shots mula sa floor, 3-of-5 mula sa 3-point range, na may limang rebounds, dalawang assists, dalawang steals at isang blocked shot mahigit 23 minuto sa kanyang unang sabak NBA.
Ang Slovenian guard na si Luka Doncic ng Dallas ang tunay na bumida sa kaniyang 33 points, 14 rebounds at 10 assists, at umiskor din ang Mavericks ng huling walong puntos para sa kanilang tagumpay.
Aniya, “It all starts with our defense. We played good defense for three quarters but especially at the end we locked in.”
Ang 19-anyos na phenomenon na itinuturing na nangungunang NBA prospect mula kay LeBron James, ay ginamit ang kanyang 7-foot-4 (2.24m) frame, nakagugulat na bilis at outside shooting touch upang ipakita ang kanyang arsenal of skills sa unang laro ng una niyang NBA campaign.
Sa first half, may anim na puntos si Wembanyama sa 2-of-4 shooting, lahat mula sa 3-point range, na may tatlong rebounds, isang blocked shot, isang assist at isang steal sa loob ng 12 minuto.
Sinabi ni Spurs coach Gregg Popovich, “Fortunately for us he’s a very tooled, prioritized young man. I don’t have to teach Wembanyama what is it to be a pro.”