Hinimok ng mga Senador ang publiko na suportahan ang programa ng mga bagong henerasyon ng Sangguniang Kabataan
Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, dapat tulungan ang mga bagong kabataang lider sa tamang public service at governance at hindi kung paano mangungurakot sa kaban ng bayan
Mahalaga aniya ang papel ng mga bagong lider sa baranggay sa sangguniang kabataan dahil sila ang susunod na lider at pag asa ng bayan
“Madalas nating sabihin na i-abolish na natin iyang SK dahil naging breeding ground of corruption. eh sino ba ang nagtuturo sa kanila ng corruption? Hindi ba y’ung matatanda din? Bakit y’ung bata ang i-abolish? baligtad!” wika ni cayetano, na nagsimula sa kanyang karera sa pulitika bilang kabataan.
Samantala nakipagkaisa rin ang mga senador at bomoto sa Barangay elections
Maagang nagtungo sa mga presinto ang mga mambabatas para ipakita ang kanilang suporta sa mga susunod na baranggay officials
Si Senador Raffy Tulfo bomoto sa Quezon City High School
Senador Imee r. Marcos sa Cabeza Elementary School, Laoag City
Si Senador Jinggoy Estrada sa Xavier School San Juan
Habang si Senador Lito Lapid sa Porac Elementary School sa Pampanga Go
Si Senador Francis Tolentino sa Francisco P.. Tolentino National High School in Tagaytay City.
Meanne Corvera