Pagsasampa ng kaso sa mga guro na umatras bilang poll watchers hindi prayoridad ng Comelec
Hindi na kakasuhan ng Commission on Elections ang mga gurong umatras sa pagsisilbi sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE.
Sa halip ayon kay Comelec Chairman George Garcia, tututukan nila ang mga nanakot sa mga gurong magsisilbi sana sa halalan.
Paliwanag ni Garcia, kinikilala nila ang sakripisyo ng mga guro, at nakita rin nila ang mabigat na idudulot ng pagsasampa ng criminal case sa kanila.
Ayon kay Garcia, may mga naireport pa sa kanila na pumunta mismo sa ginagawang canvassing bukod pa sa report ng pagtangkang maharang ang proklamasyon ng nanalong kandidato.
Kailangan aniyang ngayon palang masampulan na ang mga ito para maiwasan ang parehong insidente pagdating ng 2025 Midterm Elections.
Ang mga ito pwede aniyang maharap sa election offense na may parusang 1 hanggang 6 na taong pagkakabilanggo.
Pwede ring matanggalan ng karapatang bumoto at habang buhay na madiskwalipika sa paghawak ng anumang public office kung mapapatunayang guilty rito.
Nanagawan naman si Garcia sa Kongreso na magkaroon ng malinaw na depenisyon ng non partisanship ng barangay at isama maging ang pagbabawal sa pag-endorso para hindi na ito mapakialaman ng mga pulitiko .
Para naman sa mga pulis na tumangging magsilbi sa halalan, irereport daw ito ng Comelec sa pamunuan ng pambansang pulisya.
Nakakdismaya kasi aniya dahil kung matatakot ang uniformed personnel papano na ang Comelec.
Dahil sa pag-atras ng ilang pulis, may ilang mga presinto na galing sa Philippine Army ang nagsibi sa halalan.
Kaya plano ng Comelec na sa mga susunod na halalan, magtrain narin ng ilang army personnel na pwedeng magsilbi sa eleksyon.
Madelyn Villar- Moratillo