Ilang nanalong kandidato sa BSKE hindi pa makakaupo dahil sa disqualification cases
May 101 kandidato sa ginanap na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE ang hindi parin makakaupo kahit nanalo, matapos suspendihin ng Comelec ang kanilang proklamasyon.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nasa 253 kandidato ang sinuspinde nila ang proklamasyon habang nakapending pa ang kanilang mga kaso sa komisyon.
Ito ay matapos silang masampahan ng disqualification petition sa comelec dahil sa premature campaigning, illegal campaiging, at vote buying.
Sa Region 6 naman may 200 kandidato ang nagtie ang resulta kaya para malaman kung sino ang nanalo idinaan sa draw lots at toss coin.
Karamihan sa kanila ay sa posisyon ng pagka barangay kagawad.
Ipinagmalaki naman ng Comelec na kumpara sa mga nakalipas na BSKE, mas mabilis ang resulta ngayong 2023.
Sa pagtaya ng Comelec posibleng umabot sa 76 percent ang voter turnout ngayong taon, batay na rin sa mga natatanggap nilang datos mula sa ibat ibang Comelec offices sa buong bansa.
Madelyn Villar- Moratillo