Mga pasahero sa NAIA at PITX hindi pa gaanong dagsa nitong Biyernes
Umabot na sa mahigit 800,000 pasahero ang umalis at dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula noong nakaraang Biyernes, October 27 hanggang noong Huwebes, November 2.
Pinakamaraming naitalang pasahero sa NAIA noong October 27 na 129, 317 international at domestic passengers.
NAIA PASSENGER STATISTICS OCT 27- NOV 2
October 27- 129,317
October 28- 128,811
October 29- 122,913
October 30- 118,746
October 31- 115,858
November 1- 116,928
November 2-116,478
Total: 849,051
Sa darating na Sabado, Linggo at Lunes inaasahan ng MIAA ang bugso ng mga pasahero na galing sa mga probinsya mula sa mga bakasyon.
Una nang sinabi ng MIAA na 1.2 milyong pasahero ang posibleng dumagsa sa NAIA sa loob ng 10-araw mula October 27 bunsod ng mga nagbakasyon at nagsiuwi sa mga probinsya dahil sa barangay elections at sa Undas ng mga Katoliko.
Tiwala naman ang MIAA sa kakayanan ng mga tauhan at pasilidad nito para mapangasiwaan ang madaming bilang ng mga biyahero sa long weekend.
MIAA STATEMENT
“The NAIA terminals have efficiently handled a significant volume of passengers…With this remarkable progress, we remain firmly on track to achieve the projected goal of accommodating 1.2 million passengers over the 10-day period.”
Sa Terminal 3 kanina ay hindi pa gaano kadami ang mga papaalis na pasahero sa mga check in counters.
Katamtaman lang din ang bilang ng mga arrivals sa Terminal 3.
Sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), lagpas na sa isang milyon ang bilang ng pasahero na dumating at umalis mula noong October 26 hanggang November 2.
PITX FOOT TRAFFIC OCT 26- NOV 2
October 26- 117, 422
October 27- 141, 808
October 28- 159, 888
October 29- 144, 314
October 30- 116, 881
October 31- 117, 457
November 1- 96, 265
November 2- 108, 646
Total: 1,002, 681
Noong Sabado, October 28 ang may pinakamalaking volume ng pasahero sa PITX na 159,888.
Tinatayang 110,000 hanggang 120,000 foot traffic sa terminal ang inaasahan naman ngayong Biyernes.
Kaninang alas-onse ng umaga ay naitala ng PITX sa mahigit 50,000 pasahero na dumating at umalis sa terminal.
Ayon sa PITX, marahil ang karamihan sa mga pasahero sa terminal ay ang pumasok sa trabaho ngayong Biyernes at hindi pa ang mga nagsiuwi galing sa mga probinsya.
Moira Encina