Mga Senador , kinundena ang pagpatay sa Radio broadcaster na si Jumalon
Tinawag ng mga Senador na pag-atake sa demokrasya ang kaso ng pagpatay sa radio broadcaster ba si Juan Jumalon sa Misamis Occidental.
Kinondena ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang pagpaslang kay Jumalon na maituturing aniyang pagsikil sa karapatan sa pamamahayag .
“ Mariin nating kinokondena ang brutal na pagpaslang kay Radio Broadcaster Juan Jumalon habang siya ay nagpo-programa sa mismong istasyon na isinagawa sa loob mismo ng kaniyang kanyang tahanan. Ang anumang karahasan sa mga mamamahayag, ay karahasan laban sa ating demokrasya. This in no uncertain terms is an affront to our free press.- pahayag ni Senador Revilla Jr.”)
Para kay Senador Grace Poe, barbaric at walang puwang sa sibilisadong lugar ang ginawa sa mamamahayag.
Kailangan aniya ang masusing imbestigasyon sa kaso at papanagutin ang nasa likod ng karumal dumal na pagpatay .
Kinakalampag rin ni Poe ang ang mga awtoridad na paigtingin ang kampanya laban sa mga loose firearms hindi lamang sa Metro manila kung sa buong bansa
Ang mga iligal na baril kasi aniya ang ginagamit sa krimen at pagpatay sa mga inosenteng biktima.
“ The killing of radio broadcaster Juan Jumalon is utterly barbaric and has no place in a civilized society. As an equally important move, the Philippine National Police and other concerned authorities must tighten the noose on holders of illegal guns not only in Metro Manila but in the provinces as well.- Senador Grace Poe
Si Senate President Juan Miguel Zubiri, hinimok naman si Pangulong Bongbong Marcos na bumuo ng task force na tututok sa kaso ng pagpatay sa mamamahayag.
Dapat rin aniyang gamitin ang buong pwersa ng batas para pabilisin ang pagresolba ng kaso .
Si Jumalon na kasi ang ikalawang mamamahayag na napatay ngayong taon at ikaapat na sa ilalim ng Administrasyong Marcos.
(“These people should be put to justice at the soonest possible time. I would suggest for the President to create a task force of all the best government agents from the NBI to the PNP even to members of the military to come up with a task force to end journalists killings and to be able to help solve these crimes that have already transpired. – Statement Senate President Juan Miguel Zubiri )
Naniniwala naman si Senador Robin Padilla na ang pagpatay kay Jumalon ay nangangahulugan na kailangang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang internal security threats.
Ayon sa Senador na Chairman ng Senate Committee on Mass Media, ang Pilipinas ang isa sa itinuturing na pinaka mapanganib na lugar para sa mga mamamahayag.
Hindi aniya maiaalis na pulitika at sinidakyo ang dahilan ng pagpatay sa mamamahayag at dapat mabilis na resolbahin ang isyu .
(“Isang patunay ito na dapat mas pag-ukulan ng pansin ang seguridad panloob ng ating bansa. Secure what is already ours before securing what is beyond our backyard .Hindi maiaalis ang pulitika at sindikato bilang dahilan ng ganap – Statement Senador Robin Padilla”)
Meanne Corvera