Dahilan ng fish kill sa Cañacao Bay sa Cavite City, natukoy na ng BFAR
Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na ang pagbaba ng oxygen level ng tubig sa Cañacao Bay sa Cavite City dulot ng mataas na Ammonia Nitrogen ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa nasabing lugar.
Sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera na kasalukuyang nasa Zambaonga City na umabot sa 7 tonelada ng black tilapia o mas kilala bilang Gloria Macapagal Arroyo tilapia ang namatay.
Ayon kay Briguera , nakipag-ugnayan na ang BFAR sa mga Local Government Officials ng Cavite City para sa proper disposal ng mga namatay na isda upang hindi lalong makaapekto sa kalidad ng tubig sa bahagi ng Maynila Bay gayundin sa kalusugan ng mga residenteng nakatira sa palibot ng Cańacao Bay.
Samantala patuloy naman na ipinaiiral ng BFAR ang Shellfish ban sa baybayin ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Sapian Bay na kinabibilangan ng Ivisan at Sapian sa Capiz, Mambuquiao, Camanci at Batan sa Aklan, coastal waters ng Panay Island, Pilar, President Roxas, Roxas City sa Capiz, coastal water ng Gigantes Island, Cariles sa Iloilo, coastal waters ng Dawis at Tagbilaran City sa Bohol.
Niliwanag ni Briguera na nananatiling mataas ang Parlytic Shellfish Poison ng mga lamang dagat sa mga nabanggit na lugar kaya hindi ligtas na kainin.
Idinagdag ni Briguera ang mga hipon, alimango at isda sa mga lugar na mayroong red tide ay maaaring kainin basta alisin ang mga lamang loob at lutuing mabuti.
Vic Somintac