Publiko binalaan sa kumakalat na fake P1k bill at pagbebenta ng P20 coin
Ngayong papalapit holiday season, binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko laban sa mga kumakalat na pekeng P 1,000 bill.
Sa abiso ng BSP, dapat maging mapanuri sa salapi lalo na’t trending sa social media ang umano’y paglaganap nito.
Hindi lang ang papel na P 1,000 bill ang pineke kundi maging ang polymer na P 1,000 bill.
Upang tulungan ang publiko na sipating mabuti ang pekeng P 1,000 bill, isinapubliko ng BSP ang peke at genuine peso bill.
Samantala, nagpaalala rin ang BSP na huwag basta makipagtransaksiyon sa online buyer ng P20 new generation coin.
Ito ay nang ma-detect sa social media ang crowd sourcing na naghahanap ng nasabing barya para sa mas mataas na presyo.
Iginiit ng BSP ang nasabing barya na inilabas noong December 2019 ay may legal tender at aktibong ginagamit sa pambili at pambayad kaya hindi puwedeng maging collector’s item.