Kamara wala pang inilalabas na number 8 protocol plate para sa mga miyembro ng 19th Congress
Sumulat na ang liderato ng Kamara sa Land Transportation Office o LTO at Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para sabihin na wala pang inilalabas na protocol plate na number 8 para sa mga mambabatas na miyembro ng 19th congress.
Laman ng sulat na pirmado ni Secretary General Reginald Velasco na lahat ng sasakyan na may nakakabit na protocol plate na number 8 ay dapat hulihin at kumpiskahin ng LTO at MMDA.
Ginawa ni Velasco ang sulat sa LTO at MMDA matapos ang insidente na hinuli ng mga traffic enforcers ng LTO at MMDA ang mga sasakyan na may protocol plate number 8 na dumaan sa bus carousel lane sa EDSA kung saan pati si Senador Ramon Bong Revilla ay nagreklamo na nagresulta sa pagkakasuspinde ni Colonel Bong Nebreja na hepe ng MMDA Task Force Special Operations.
Itinatanggi naman ng mga kongresista na inaakusahan ng MMDA na dumaan sa bus carousel lane sa EDSA sa kanila ang mga sasakyan.
Vic Somintac