Xi nagbabala kay Biden na tigilan na ang pag-aarmas sa Taiwan
Binabalaan ni Chinese leader Xi Jinping si US President Joe Biden nang dumalo sila sa APEC summit, na tigilan na ang pag-aarmas sa Taiwan, ngunit sumang-ayon na muling simulan ang high-level military-to-military talks.
Ayon sa readout mula sa foreign ministry ng China, “The US side should… stop arming Taiwan, and support China’s peaceful reunification. China will realise reunification, and this is unstoppable.”
Sinabi naman ng Beijing state media, “But the two leaders agreed to resume on the basis of equality and respect high-level military-to-military communication.”
Nagkasundo rin ang dalawang lider na magsagawa ng telephone conversations sa pagitan ng theater commanders, maging ang pagsasagawa ng defence policy coordination at maritime talks, ayon sa foreign ministry ng beijing.
Bilang karagdagan, sa naturang summit ay nagkasundo rin si biden at xi na magkaroon ng joint government talks tungkol sa paggamit ng artificial intelligence, at sa isang working group kaugnay ng counternarcotics cooperation.
Bukod dito ay nangako rin ang magkabilang panig na magtutulungan upang maragdagan pa ang mga naka-schedule na flights sa pagitan ng china at us sa susunod na taon.
At nagkasundo rin na palalimin pa ang kooperasyon sa climate change at dagdagan ang kanilang ‘joint efforts’ bago ang gaganping COP28 summit sa Dubai ngayong buwan.
Sinabi ni Xi kay Biden, “China did not seek to ‘surpass or unseat the United States’ and so the United States should not scheme to suppress and contain China. China will not follow the old path of colonisation and plunder, nor will it follow the wrong path of hegemony when a country becomes strong.”
Dagdag pa niya, “China’s development, will not be stopped by external forces.”
Nagbabala rin si Xi sa Washington na hindi natutuwa ang Beijing sa mga sanction at iba pang hakbang laban sa kanilang mga kompanya.
Aniya, “US actions against China regarding export control, investment screening and unilateral sanctions seriously hurt China’s legitimate interests.”
Sinabi pa ng lider ng China, “Suppressing China’s science and technology is curbing China’s high-quality development and depriving the Chinese people of their right to development.”