Magiging host sa 2030 World Expo ibubunyag na
I-aanunsyo ngayong araw ng organisers ang magiging host ng 2030 World expo, kung saan ang Rome sa Italy, Saudi capital na Riyadh at Busan ng South Korea ang pagpipilian upang pagdausan ng naturang event na ginaganap tuwing ikalimang taon.
Ang World Expo, na ang kasaysayan ay nagsimula pa sa 1851 Great Exhibition sa London, ay isang malaking kaganapan na tumatagal ng isang buwan at dinadaluhan ng milyun-milyong mga bisita, na ang layunin ay tumugon sa mga tukoy na hamon ng kasalukuyang panahon.
Ang hosting ay mahigpit na hiniling partikular ng Italy, Saudi Arabia at South Korea, na ang mga gobyerno ay tunay na nagnanais na makuha ang karangalan na i-host ang 2030 World Expo.
Ang Saudi Crown Prince na si Mohammad bin Salman, ang siyang nangunguna sa pagsisikap ng kaharian na i-host ang Expo, na siyang pinakabago sa linya ng mga kaganapan na iho-host ng kaharian sa kabila ng mga pag-aalala kaugnay ng kanilang reputasyon sa mga karapatan.
Nakatakda nitong i-host ang 2034 football World Cup, matapos lumitaw na sila lamang ang nag-bid para sa naturang event.
Subali’t nagpakita rin ng pagnanais ang Rome at Seoul para sa hosting ng World Expo.
French President Emmanuel Macron has assured Saudi of France’s support / Ludovic MARIN / POOL/AFP
Nito lamang nakalipas na linggo ay nasa Paris si South Korean President Yoon Suk Yeol, upang hamunin ang bid ng Busan, habang ang right-wing Premier naman ng Italya na si Georgia Meloni ay iginiit ang pagnanais ng Rome.
Ang awarding ng Expo sa Saudi Arabia ay kontrobersiyal, dahil sa argumento ng mga aktibista na hindi maaaring ibigay sa kaharian ang karangalang i-host ang event dahil sa mga paglabag nito sa karapatang pantao, kabilang na ang pagpatay sa mamamahayag na si Jamal Khashoggi sa Saudi consulate sa Istanbul noong 2018.
Noong nakaraang linggo ay gumawa ng isang open letter ang mga grupong kinabibilangan ng MENA Rights Group, Freedom House at ang Paris-based NGO na Together Against the Death Penalty (ECPM), na humihikayat laban sa pagpili sa Riyadh.
Ayon sa sulat, “Given its appalling human rights situation. By providing a global platform to a regime with a history of violating basic human rights and curbing freedoms, the international community risks sending a tacit message that such actions are acceptable.”
Ang Saudi, na isa sa top executioners ng mundo, ay nagpataw ng parusang kamatayan sa 112 katao sa pagitan ng Enero at Oktubre ngayong taon, ayon sa Amnesty.
Ngunit muling pinagtibay ng France ambassador to Riyadh na si Ludovic Pouille, na suportado ng France ang bid ng Saudi.
Ibinigay na ni French President Emmanuel Macron sa Riyadh ang suporta nito, nang bumisita ang crown prince para sa isang pag-uusap na ginanap sa Elysee noong July 2022, isang hakbang na ikinairita ng ilan sa Italian EU partners ng France.
South Korea has made a final push for votes / Christophe DELATTRE / AFP
Ang pagho-host ng Expo ay kinokontrol ng Bureau International des Expositions (BIE) na nakabase sa Paris, isang organisasyong nilikha halos isang siglo na ang nakalipas na ngayon ay may 182 nang miyembrong estado.
Pipiliin ang host sa gaganaping pangkalahatang pagpupulong ng BIE ngayong Martes, kung saan ang mga kandidato ay gagawa ng pinal na presentasyon at pagkatapos ang mananalo ay pipiliin sa pamamagitan ng botohan ng mga miyembrong estado.
Bawat miyembrong estado, malaki man o maliit ay may isa lamang boto, ibig sabihin kailangan ng isang malawakang global campaign upang matiyak ang panalo.
Nais ng Busan na i-host ang Expo simula May-October 2030 sa ilalim ng temang “Transforming Our World, Navigating Toward a Better Future”.
Plano naman ng Rome na i-host ang Expo sa kaparehong panahon na ang tema ay “People and Territories: Regeneration, Inclusion and Innovation”.
Ang Riyadh Expo naman ay mula October 2030 hanggang March 2031 sa ilalim ng temang “The Era of Change: Together for a Foresighted Tomorrow”.
Ang pinakahuling World Expo ay ginanap noong 2020 sa Dubai at ang susunod na World Expo ay nakatakda namang ganapin sa 2025 sa Osaka, Japan sa ilalim ng temang “Designing Future Society for Our Lives”.
Ang iba pang nagnanais na mag-host sa 2030 ay nagmula sa Russian capital na Moscow at sa Ukrainian city ng Odesa. Subalit binawi ng Russia ang kanilang bid noong May 2022 matapos nitong salakayin ang Ukraine noong Pebrero ngayong taon, habang ang Odesa ay hindi naman gumawa ng final shortlist ng tatlo na inanunsyo noong Hunyo.