2024 Bar Exams itinakda sa September 8,11, at 15
Sa buwan ng Setyembre muli isasagawa ang 2024 Bar Examinations.
Sa bar bulletin na inisyu ni 2024 Bar Exams Chair at Supreme Court Justice Mario Lopez, itinakda ang pagsusulit sa September 8, 11, at 15.
Mananatili ring digitalized at regionalized ang 2024 Bar Exams.
Kasabay na inilabas ng SC ang iskedyul ng anim na core subjects sa tatlong araw na eksaminasyon.
Ayon kay Justice Lopez, tutuon ang mga tanong sa practical skills at jurisprudential perspectives.
Layon aniya ng mga tanong na mabatid ang analytical at problem -solving abilities, professionalism, ethics, empathy sa mga kliyente, at katapatan sa paglilingkod sa bayan na mga minimum na pamantayan para maging abogado.
Ilalabas ang mga application procedure, lugar ng local testing centers at iba pang guidelines sa mga susunod na bar bulletins.
Moira Encina