Panibagong batch ng PDLs, lumaya mula NBP at iba pang piitan ng BuCor

Kabuuang 73 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa mga kulungan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang lumaya ngayong Miyerkules.

Mula sa nasabing bilang, karamihan ay mula sa New Bilibid Prison (NBP).

Ang aktuwal na mga lumaya nitong Disyembre 20 :

NBP – 39
DPPF – 16
LRP – 4
SPPF – 4
SRPPF – 2
Kabuuan -73

Sa tala naman ng BuCor mula Oktubre 28 hanggang Disyembre 20, umabot sa 985 inmates ang nakalaya matapos mapagsilbihan ang mga sentensiya.

Tiwala si BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na sa susunod na taon ay mas maraming PDLs na natapos na ang hatol ang mapalalaya.

Sinabi naman ni Justice Undersecretary Deo Marco na mahigit 1,500 PDLs na ang inirekomenda nila sa Malacañang para gawaran ng executive clemency ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa huling pagkausap aniya nila kay Executive Secretary Lucas Bersamin ay handa nilang asikasuhin ang clemency para makapagpalaya ng marami ngayong taon.

Umaasa ang opisyal na bago matapos ang 2023 ay malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga isinumiteng pangalan para sa clemency na makatutulong para mapaluwag ang mga kulungan.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *