NTC, nakakolekta ng higit P9 bilyon noong 2023
Nakakolekta ang National Telecommunications Commission (NTC) ng P9.43 bilyon nang nakalipas na taon.
Ayon sa NTC, nahigitan nito ng P3.5 bilyon o katumbas ng 6.2% ang collection target ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na P5.91 bilyon.
Bunga na rin umano ito ng mas mahigpit na pagbabantay sa compliance ng kanilang stakeholders sa pagre-remit ng spectrum user fees at pagbabantay sa regulation fees at penalties.
Ang NTC, ay ang ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa sa mga cable at commercial television operators, broadcast radio stations, telecommunications companies at commercial and portable radio operators.
Ayon kay NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, sa pamamagitan ng systematic collection effort ng NTC, nakapag-aambag ito sa public service programs ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakasentro sa food security, free and universal primary education at public health.
Madelyn Villar Moratillo