Police Official na suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon , sinibak na sa serbisyo
Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) si P/Major Allan de Castro na may kinalaman sa kaso ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.
Mismong si Police Regional Office 4-A chief Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang pumirma sa dismissal order ni de Castro .
Aniya matibay ang mga ebidensya nila sa relasyon ni de Castro kabilang ang mga larawan, palitan ng mensahe at picture nina de Castro at Camilon.
Dahil wala na sa serbisyo, tuluyang na ring pinalaya sa Restrictive custody ng PNP Calabarzon si de Castro.
Pero ayon sa kay police Major Nilo Morallos Deputy Chief ng CIDG Region 4A, patuloy nilang imomomonitor ang kilos ni de Castro upang hindi ito makapagtago habang nagpapatuloy ang usapin sa kaniyang kasong kriminal.
Ang Ina naman ni Camilon na si Aling Rose, hindi maiwasang mangamba na balikan sila ni de Castro ngayong malaya itong nakakakilos sa labas.
Dahil dito , inatasan na ni General Lucas ang Tuy Police Station sa Batangas na makipag-ugnayan sa pamilya Camillon at magdeploy ng karagdagang seguridad.
Tiniyak naman ni General Lucas na patuloy nilang tutukan ang kaso at mangangalap ng karagdagang ebidensiya laban kay de Castro.
Sa lunes magpapatuloy ang preliminary investigation ng Batangas Prosecutor’s Office sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention laban sa kinakaharap ni de Castro.
Mar Gabriel