47 percent ng mga Pinoy,nagsabing sila ay mahirap – SWS survey
Nasa 47 percent o 13 milyong mga Pinoy ang nagsasabi na sila ay mahirap.
Ito ang resulta sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre ng nakalipas na taon.
Ayon sa SWS, mas mababa ito sa 48 percent o nasa 13.2 milyong pamilya ang nagsabi na sila ay mahirap noong buwan ng Setyembre at mababa pa rin sa 51 percent ng mga Pinoy na nagsabi na sila ay mahirap noong Disyembre ng taong 2022.
Sinasabing ang bahagyang pagbaba ay dulot nang naitalang self-rated poverty sa Mindanao na 61 percent noong Disyembre 2023 mula sa 71 percent noong September 2023.
Sa Metro Manila ang self-rated poverty ay bumaba sa 37 percent mula sa 38 percent at sa Visayas region ay nagtala ng 58 percent self rated poverty noong December 2023 mula sa 39 percent noong September 2023.
Sa 13 milyong nagsasabing sila ay mahirap, nasa 2.2 milyon ay nagsabing sila ay bagong naghirap o sa nakalipas na 4 na taon ay hindi sila mahirap, habang ang 1.6 milyon ay nagsabing usually poor at ang 9.2 milyon ay nagsabing “always poor”.
Sa survey , 20 percent ng mga respondents ang nagsabing hindi sila mahirap.
Ang percentage ng mga respondents na nagsabing hindi sila mahirap ay 27 percent sa Balance Luzon, Metro Manila- 35 percent , Mindanao – 6 percent at Visayas- 7 percent.