Mga Senador dapat kumilos na may integridad at malasakit sa usapin ng Chacha
Pinatutsadahan ni Senador Cynthia Villar ang mga nagsusulong ng anumang pagbabago sa saligang batas.
Sa opening prayer hiniling ni Villar na bigyan ng tapang ang mga Senador ngayong nagdesisyon na ang Liderato ng Senado na buksan ang economic provisions ng saligang batas.
Sinabi pa ni Villar dapat kumilos ang mga Senador na may integridad at malasakit.
Ayon sa Senador, sana ang manaig ay ang tunay na boses ng taumbayan at hindi ang personal na ambisyon ng iilan.
Dapat aniyang mapanatili ang integridad ng konstitusyon at pairalin ang check and balance para sa demokrasya.
Hiniling niya rin na maging mapagmatyag ang publiko para hindi manaig ang pansariling interes ng mga nagsusulong ng ChaCha.
Meanne Corvera