Lalaki sa Japan pinatawan ng parusang kamatayan kaugnay ng arson
Pinatawan ng parusang kamatayan ng isang korte sa Japan, ang salarin sa insidente ng panununog noong 2019 sa isang animation studio na ikinamatay ng 36 katao.
Ang sunog na tumupok sa mga studio ng Kyoto Animation apat at kalahating taon na ang nakalilipas, ay itinuturing na “deadliest crime in decades,” na ikinabigla ng anime industry at ng fans nito sa buong mundo.
Si Shinji Aoba, na ngayon ay 45-anyos na, ay sumugod sa gusali, binuhusan ng gasolina ang ground floor, sinindihan iyon at saka sumigaw ng “drop dead,” noong umaga ng July 18, 2019, ayon sa mga survivor.
Marami sa mga namatay ay bata pa, kabilang ang 21-anyos na babae.
Ang ilang mga biktima ay natagpuan sa isang spiral stairwell patungo sa bubong, na nagmumungkahing inabutan sila ng apoy habang desperadong sinusubukan na makatakas.
Sinabi ng isang babae, “There was a person who jumped from the second floor… but we couldn’t rush to help because the fire was so strong. It was like I was looking at hell.”
Mahigit sa 30 iba pa ang nasugatan, kung saan tinawag ng mga bumbero ang insidente na “unprecedented” at sinabi na ang pagliligtas sa mga taong nakulong sa loob ay “napakahirap.”
Si Aoba, na inaresto malapit sa pinangyarihan, ay naharap sa limang kaso kabilang ang pagpatay, tangkang pagpatay at panununog, at ninais ng mga taga-usig na ipataw ang capital punishment sa high-profile trial.
Presiding Judge Keisuke Masuda (top, C) of Kyoto District Court and others attend a courtroom where defendant Shinji Aoba’s sentencing hearing in Kyoto on January 25, 2024. A Japanese court found guilty on January 25 the perpetrator of a 2019 arson attack on an animation studio that killed 36 people, with sentencing expected later in the day, local media reported. (Photo by JIJI Press / AFP)
Ang mga abogado ni Aoba ay nagpasok ng not guilty plea sa pagsasabing, “he did not have the capacity to distinguish between good and bad and to stop committing the crime due to a mental disorder.”
Subalit nitong Huwebes, ay ipinasya ng mga hukom na si Aoba ay hindi baliw, o nakararanas man ng kakulangan sa kapasidad sa pag-iisip nang mangyari ang krimen.
Sa loob ng courtroom na puno ng mga miyembro ng pamilya ng mga biktima, isa ang umiyak at nagtakip ng mata habang nagsasalita ang hukom.
Kalaunan ay ibinaba na ang hatol na kamatayan.
Nang magbukas ang paglilitis noong Setyembre, ay sinabi ni Aoba sa Kyoto District Court, “I didn’t think so many people would die, and now I think I went too far.”
Si Aoba ay nagkaroon ng “maling akala” na ninakaw ng studio na kilala bilang KyoAni sa mga tagahanga nito ang kaniyang mga ideya, ayon sa prosecutors, isang pag-aangkin na itinanggi ng kompanya.
Siyamnapung porsiyento ng katawan ni Aoba ay nagtamo ng paso sa nangyaring sunog, at napaulat na kinailangan niya ng 12 operasyon.
Nagkamalay ito makalipas ang ilang linggo, makaraang sumailalim sa isang operasyon na nagpanumbalik sa kakayahan niyang magsalita.
Ang Japan ay isa sa iilang maunlad na mga bansa na may parusang kamatayan, na karaniwang ipinapataw sa mga kaso ng pagpatay na may higit sa isang biktima, at ang mga survey ay nagpapakitang mataas ang suporta rito ng publiko.
Gayunman, laganap din ang kritisismo mula sa rights groups, dahil madalas ay nalalaman lamang ng mga bilanggo na sila ay nakatakdang bitayin, sa umaga na ng mismong araw na sila ay bibitayin.
Ang huling pagbitay ay nangyari noong 2022 at hanggang noong Disyembre, 107 katao na ang nasa death row.
Ang highest-profile executions sa mga nakalipas na taon ay noong 2018, nang bitayin ng Japan ang 13 katao, kabilang ang isang doomsday cult guru, na responsable sa 1995 sarin attacks sa subway ng Tokyo.
Itinayo noong 1981 ng isang mag-asawa, ang KyoAni na naging isang household name para sa anime fans, ay responsable para sa popular na TV series kabilang ang “The Melancholy of Haruhi Suzumiya” at “K-ON!”
Pagkatapos ng panununog, nabigla at nagdalamhati ang Japan at ang buong mundo, kung saan nagpost pa ang Apple CEO na si Tim Cook at sinabing “KyoAni’s artists ‘spread joy all over the world and across generations’ with their masterpieces.”
Isang US animation company naman ang nakalikom ng $2.4 million sa pamamagitan ng crowdfunding upang tulungan ang kompanya na muling makabangon.
Para naman sa pamilya ng mga namatay, hanggang ngayon ay labis pa rin ang sakit na kanilang nararamdaman sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.